Ang bersyon ng Tagalog ng website ng Intellectual Property Department ay naglalaman ng piling kapaki-pakinabang na impormasyon lamang. Maaari mong ma-access ang buong nilalaman ng aming website sa English, Traditional Chinese o Simplified Chinese.
Ang intellectual property ay mahalaga sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang intellectual property ay ang pangalang karaniwang ibinibigay sa isang pangkat ng magkahiwalay na intangible property rights. Kabilang dito ang mga trademark, patent, copyright, mga disenyo, mga uri ng planta at ang disenyo ng layout ng mga integrated circuit. Ang intellectual property ay mahalaga sa ating pang-araw-araw na buhay: Ang mga brand-name na logo sa mga damit tulad ng mga T-shirt, mga artikulo sa pahayagan, mga programa sa TV, mga pop song, mga pelikula sa sinehan at disenyo ng fashion lahat ay may malakas na koneksyon sa intellectual property.
Ang proteksyon ng intellectual property rights ay nagpoprotekta sa pagkamalikhain. Ang mga pinaghirapang likha ng mga manunulat, artist, designer, software programmer, imbentor at iba pang talento ay kailangang protektahan upang lumikha ng isang kapaligiran kung saan ang pagkamalikhain ay maaaring umunlad at ang pagsusumikap ay kilalanin.
Ang Hong Kong ay malikhaing lugar. Ang aming produksyon ng pelikula, produksyon sa telebisyon, produksyon ng sound recording, mga publikasyon, disenyo ng fashion at alahas at graphical design at husay sa produksyon ay kilala sa buong mundo at tinatangkilik sa ibang bansa. Ang Hong Kong ay internasyonal na sentro ng negosyo, kailangan na maglaan kami ng kinakailangang proteksyong intellectual property rights sa mga namumuhunan upang tiyakin sa kanila ang libre at patas na kapaligiran kung saan sila makapagnenegosyo. Kaya ang pangunahin naming interes ay protektahan ang mga intellectual propery rights.
Hindi lahat ng ideya, imbensyon o likha ay protektado. Halimbawa, upang balansehin ang kapakanan ng mga may-ari ng mga karapatan ng intellectual property at ang lipunan sa kabuuan, habang ang isang pharmaceutical na imbensyon ay protektado ng pagpaparehistro ng patent, isang espesyal na medical treatment para sa isang sakit ay hindi protektado. Gayundin, ang paglalagay ng isang sikat na cartoon character sa isang komersyal na produkto nang walang pahintulot ay ilegal.
Ang Government of the Hong Kong Special Administrative Region (ang Hong Kong SAR) ay may malaking pagpapahalaga sa nagawang kontribusyon ng binuong intellectual property sa ekonomiya. Kami ay kasama sa patuloy na pagsisikap upang matiyak na ang mga taga-Hong Kong at mga namumuhunan sa ibang bansa sa Hong Kong SAR ay makatitiyak na ang proteksyon sa intellectual property ay kasing husay at mas mahusay pa nga kaysa sa ibang ekonomiya sa mundo.
Sa pagkilala sa kahalagahan ng proteksyon sa intellectual property, ang mini-constitution ng Hong Kong SAR - ang Pangunahing Batas - ay nagsasabi sa Artikulo 139 at 140 na ang Hong Kong SAR ay dapat na bumuo ng mga naaangkop na patakaran at magbigay ng legal na proteksyon sa mga karapatan sa intellectual property.
Dahil dito, bumuo kami ng bagong mga batas ng intellectual property na naglalayong maabot ang pinakamataas na internasyonal na pamantayan, at ilagay ang Hong Kong SAR na nangunguna sa pagbuo at proteksyon ng intellectual property
Upang ipakita ang determinasyon ng proteksyon ng intellectual property, itinatag ng Gobyerno ang Intellectual Property Department noong 2 Hulyo 1990. Ang Intellectual Property Department ay may pananagutan na magbigay sa Secretary of Commerce at Economic Development ng mga patakaran at batas upang protektahan ang intellectual property sa Hong Kong SAR; para sa pagpagamit ng mga Hong Kong SAR Trade Mark, Patent, Registered Designs at Copyright Licensing Bodies Registries ng Hong Kong SAR, at para sa pagtataguyod ng proteksyon ng intellectual property sa pamamagitan ng pagbibigay-alam sa publiko.
Ang Customs and Excise Department ay responsable sa pagpapatupad ng kriminal na mga aspeto ng paglabag sa mga karapatan sa intellectual property. Iniimbestigahan nito ang mga reklamong nagpaparatang ng paglabag sa mga trade mark at copyright at mga reklamong nagpaparatang ng pandaraya sa deskripsyon ng produkto. Ang departamento ay may malawak na kapangyarihan sa paghahanap at pagkumpiska, at nakikipagtulungan sa mga awtoridad ng ibang bansa at mga may-ari ng trade mark at copyright sa pinagsamang pagsisikap na labanan ang paglabag sa mga karapatan sa intellectual property. Ang departamento ay nakatanggap ng maraming papuri sa mga nagawa nito mula sa mga pampubliko at pribadong institusyon.
Alinsunod sa Hong Kong, ang mga obligasyon ng China sa ilalim ng World Trade Organization - Agreement on Trade Related Aspects of Intellectual Property Rights (WTO - TRIPS Agreement), tutulungan ng Customs and Excise Department ang mga may-ari ng karapatan na ipatupad ang kanilang mga karapatan kaugnay ng copyright at trade mark ng mga produkto sa pamamagitan ng mga hakbang sa pagpapatupad ng border.
Kapag nalaman ng sinumang may-ari ng copyright at trademark na nilalabag ang kanilang mga karapatan, mangyaring makipag-ugnayan sa Customs and Excise Department.
Paki click dito --- dito pupunta ang link
Ang mga checklist ng iba pang pampublikong awtoridad ay makikita sa sumusunod na webpage ng Constitutional and Mainland Affairs Bureau -
https://www.cmab.gov.hk/gb/issues/equal_agpre.htm